Week of Welcome, Matagumpay na Idinaos

Nagsimula ang nasabingprograma sa Freshmen Treat: Getting to Know the University na pinangunahan ng Student Organization Leaders (SOL) noong Hunyo 11, 2015. Dito ipinakita at ipinakilala sa mga first year students ang mga pinuno ng unibersidad, mga pasilidad at iba pang kagamitang may kaukulan sa ESSU-Main Campus.


Sinundan ito ng College Academic Life Experience (CALE) Program noong Hunyo 19, 2015 na nagsilbi ring “orientation program” ng bawat kolehiyo. Dito inilunsad at ibinahagi ng bawat kolehiyo ang mga layunin at mga alintuntuning dapat sundin. Ipinakilala rin ang mga nasasakupang kawani o mga instruktor ng bawat departamento. Ito ay pinangunahan ng Federated Class Organization (FCO) sa tulong ng SOL.
Pinakahuli ang President’s Welcome na nagsimula sa eksaktong alas-kuwatro ng hapon, Hunyo 25, 2015. Nagsimula ang programa sa isang parada sa loob ng unibersidad at nagtapos sa isang “fireworks display.” Nagkaroon naman ng Freshmen Convocation sa sumunod na araw kung kailan isinagawa ang raffle draw at namigay ng premyo sa mapapalad na estudyante.