Club Signing, Muling Isinagawa

Dinaluhan ang nasabing Club Signing ng iba’t-ibang organisasyon kabilang na ang Kaizen Masters’ Art Guild, Agape Campus Ministry (Borongan City Chapter), Youth For Christ, Campus Youth Ministry, at mga clubs ng College of Education tulad ng EDFIL, English Society, Science Society, Math Society, at Social Science Society. Upang mahikayat ang mga estudyante na lumahok, nagkaroon ng iba’t-ibang pakulo ang mga nasabing clubs tulad ng pamimigay ng freebies.


Ayon kay Bb. Christine May Escala, Presidente ng Supreme Student Council, sapagkat taun-taon ay may mga guma-graduate na mga miyembro ng naturang organisasyon, layunin nito na makapagrecruite ng mga bagong kasapi at upang mabigyan sila ng pagkakataon na mapahusay pa ang kanilang kakayahan at talento.
Naging matagumpay ang kabuuan ng naturang programa. Naipamalas ng iba’t-ibang clubs ang layunin ng kanilang grupo at nagkaroon ng kaalaman ang mga estudyante sa unang taon ng ESSU tungkol sa mga clubs na umiiral sa unibersidad na ito.